Wednesday, November 17, 2010

Paglalahad ng Tunay na Pagmamahal

Isang kakaibang pakiramdam ang aking nadama ng sinagot ko ang kanyang pagibig para sa akin, wari ko ba’y napakasaya ng aming mga puso, at hindi maalis sa aking mukha ang liwanag ng aking ngiti.. haii.. ganito siguro talaga ang mainlove ng totoo, isang napakasarap sa pakiramdam ang nadarama, masarap talagang mainlove! Akala ko noon pag sinagot ko na siya maraming magbabago, ngunit nagkamali ako, nung naging kami na, mas lalo ko naramdaman ang pagmamahal niya, ang pagiging sweet niya para sa akin, pag aalala, pag aalaga, haii.. masasabi ko lang kay sarap talagang magmahal at higit sa lahat kay sarap ng my nagmamahal sayo ng tapat at wagas.

Unang Pagtatagpo

Nang makilala ko siya ay may espesyal na pakiramdam ang dumampi sa aking damdamin, na wari ba’y napakagaan kaagad ng aking loob para sa kanya, kahit pa sabihin nating nun lang kami unang nagkakilala. Isang pakiramdam na kay hirap iwasan ang nadama ng aking puso, nang unti unti na kaming nagkakakilala, wari ko ba’y walang kapantay na kasiyahan ang aking nadama, sa tuwing magkasama kami ay walang segundo, minuto at oras na nasasayang, minsan nga’y kulang pa ang isang buong araw na magkasama kaming dalawa. Masaya kaming nagkkwentuhan ng tungkol sa aming mga buhay, masayang nagtatawanan, nagkukulitan at kung minsan pa’y gumagala kaming dalawa kung saan saan. Nakakatawa mang isipin ngunit palagi ko siyang namimiss, walang araw na nawala siya sa aking isip at puso, walang araw na hindi ko ninais na sana palagi na lang siyang nasa aking tabi, dahil pakiramdam ko sa tuwing andyan lang siya para sa akin ay SAFE na SAFE lang ako.